Patakaran #1: Mga kalaban ay nasa lahat ng dako, kaya ilagay ang iyong Best Food Forward sa lahat ng oras.

Ni Josh Barsch noong ika-26 ng Marso, 2008

Sa aking palagay ay narinig mo na noon mula sa akin ang tungkol sa website na ito, ngunit ito’y napapag-ulit: Salamat sa Web, ikaw ngayon ay may access sa libu-libong mga scholarship na hindi mo man lang nalaman na mayroon bago ang Internet age. Mabuting balita iyan. Ang masamang balita ay ito: Pati na rin ang bawa’t sino pa. Ang paligsahan para sa perang pang scholarship ay mas matindi na ngayon kaysa noong panahon. At ito ay hindi lamang ang iyang Amerikanong kapitbahay na nakikipag-agawan sa iyong mga anak para sa perang pang scholarship; ito’y higit pa sa isang daang milyong mag-aaral sa buong mundo, mula sa Indya, Tsina, Europa, Africa at sa bawat sulok ng mundo.

Ang mga paligsahan para sa scholarship ay walang pinagkaiba sa mga paligsahan na kung saan mas marami ang kumpetisyon, mas maliit ang panahon para sa pagkakamali kung plano mong manalo. Kapag ika’y nakikipagkumpitensya laban sa labing dalawang mga bata na galing sa iyong paaralan, maaari ka pang magkamali, maging tamad ng onti at manalo parin. Kapag ikaw naman ay nakipagkumpitensya laban sa mga pinakamagagaling sa mundo, ang pagkakamali ang magtatapos sa iyo. Isang pagkakamali, at ika’y wala na.


At sa ngayon lamang ay ating naitatag na ikaw ay nakikipagkumpitensya laban sa mga pinakamahusay sa mundo tuwing pinupunan mo ang isang scholarship application. Kahit na sa kaso ng lokal o iba pang mga ‘restricted-entry awards’ kung saan ay hindi ka nakikipagkumpitensya laban sa buong mundo, ang posibilidad na ikaw ay makaakyat ay matutupad kung ang tunguhan mo ay ikaw laban sa mundo. Para sa layunin ng aklat na ito, kami’y sasangguni sa prosesong iyon bilang paglagay ng iyong ‘best foot forward’ o BFF.

Ang mga pagkakamali at pagkukulang ay nagmumula sa malalaki at kapansin-pansin sa maliliit o tago na mga detalye na sa iyong palagay ay walang nakahahalata. Iisa-isahin ng librong ito ang lahat ng iyon, at kapag hinihiling mo ang pinakamagandang pagkakataon na makauwi ng pinakamaraming perang pang scholarship, kailangan mong bigyan ng pansin ang lahat ng detalyeng ito! Ito ang kakanyahan sa paglagay ng iyong best foot forward – ang kaalaman na kapag hinaharap mo ang pinakamahirap na paligsahan sa buong mundo, walang detalye na masyadong maliit o walang kuwenta. Takpan ang lahat ng mga ito, at takpan ng mabuti. BFF sa lahat ng oras!

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top